AJ Manas Reflects on His Reyes Cup MVP Run

On winning the MVP:

“Very special for me, kasi di talaga ako makapaniwala na ako yung MVP — at first time ko rin makalaro sa Reyes Cup. Di rin ako makapaniwala na ako yung napili ni Coach Django na maglaro. So buwenas tayo, nakuha natin yung MVP, maganda yung nilaro natin. Tingin ko, deserve ko naman.”

On being chosen by Team Asia captain Django Bustamante:

“Yeah, at tingin ko naman tama yung desisyon ni Coach Django. Nagpapasalamat ako sa kanya kasi ang laki ng tiwala na binigay niya sa akin. So yung pressure talaga, nasa akin — kailangan ko na lang pag-igihan ito. Sabi niya, ‘Relax ka lang, laruin mo lang yung laro mo,’ kaya mas naging komportable din ako maglaro.”

On his win against Fedor Gorst:

“Syempre naman, pag tinalo mo yung magagaling, mas lalo tumataas yung kumpiyansa. Kung baga, sa susunod na magkatapat kayo, bawas na yung pressure.”

What’s next:

“After nito, sa Philippine Open naman sa Gateway, Quezon City.”

On his family being able to watch him at the Reyes Cup:

“Sobrang saya. Simula umpisa, nanonood sila at sinusuportahan ako. Tingin ko, deserve ko naman ito at inaalay ko sa pamilya ko.”

On how the support of the Filipino crowd helped him perform:

“Oo naman! Pero at the same time, nakaka-pressure din kasi dapat di tayo mapahiya. Gano’n. Salamat din sa mga nanood at sumuporta — mga kapwa nating Pilipino.”

Leave a Reply